DOH: Hazard pay ng health workers ‘di pa naibibigay
MANILA, Philippines — Hindi pa natatanggap ng mga frontline health workers ang kanilang hazard pay at special risk allowance para sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon.
Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega, ngunit pinoproseso na aniya ito ng Department of Budget and Management (DBM).
Anya, nakakabahala na magdulot ng kakulangan ng staff sa mga ospital dahil ang mga health workers ay umaalis sa kanilang trabaho dahil sa mabagal na proseso ng pagpapalabas ng kanilang mga benepisyo habang nanganganib ang kanilang kalusugan dahil sa sila ang nasa pinaka-unahan sa paglaban sa COVID-19 sa mga pagamutan.
Upang matugunan naman ang problema, sinabi ni Vega na nagbukas sila ng 10,300 health worker positions sa buong bansa na tutulong sa operasyon ng mga health facilities.
Una na ring sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na nagbigay ang DOH ng sapat na pondo upang direktang makakuha ng health workers.
- Latest