Medical wastes itapon ng tama — Duterte
MANILA, Philippines — Muling pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko sa kanyang Talk to the People ng wastong pagtapon ng mga medical wastes.
Nakarating kay Duterte ang ulat na may mga nakuhang gamit na face masks ang ilang divers sa ilalim ng karagatan ng Bauan, Batangas.
Ito ang dahilan aniya kung bakit labis siyang nalungkot at nadismaya dahil sa maling pagtatapon ng medical wastes.
Binigyang diin ng Pangulo ang paggunita ng buong mundo ng “World Environment Day” noong June 5 kung saan isinulong ang commitment ng bansa sa pag-aalaga sa kapaligiran.
Ikinuwento pa ng Pangulo ang isang karanasan noong mayor pa siya ng Davao na kung saan isang nurse umano ang nagbaon ng basura sa isang beach.
“You might as well wait for the garbage men to look the garbage and balutin ninyo ‘yang mga ano ninyo, mga medisina ‘yong naturok na at saka ‘yong mga syringe, balutin ninyo, ibigay ninyo sa basurero,” ayon kay Pangulong Duterte.
- Latest