Vaccine manufacturing plant balak itayo ng Novavax sa Pinas
MANILA, Philippines — Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez ay interesado ang US-based company Novavax Inc. na magtayo ng manufacturing plant sa Pilipinas upang gumawa ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19)
“For one thing itong Novavax, itong US manufacturing company, may agreement sa Serum Institute sa India, pero gusto nila magtayo sa Pilipinas,” ani Romualdez.
Aniya plano itong itayo sa Clark Airbase sa Pampanga.
Balak din ng American company Arcturus Therapeutics na magtayo ng manufacturing plant sa bansa para sa Asian market.
“Yung Arcturus… San Diego-based ito, they are developing Johnson and Johnson vaccines. Iyon, interesado na talaga. I’m not sure what phase they’re in but pinag-aaralan nila kung puwede magtayo sa atin, kasi may Asian market,” lahad ng opisyal.
Sinabi rin ni Manuel V. Pangilinan ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) na interesado rin itong magtayo ng manufacturing plant ng COVID vaccine sa bansa.
Ayon kay DOST-Philippine Council for Health Research Development executive director Jaime Montoya, apat na kompanya na sa bansa ang balak magkipagtulungan sa banyagang pharmaceutical companies upang gumawa ng COVID vaccine.
- Latest