DA binalaan ang meat traders sa taas-presyo
MANILA, Philippines — Binalaan ni Agriculture Secretary William Dar ang mga mapagsamantalang negosyante na nagmamanipula sa presyo ng karne ng baboy sa mga pamilihan.
Sa ginanap na virtual presser, nagbabala si Secretary Dar na ipatutupad ng gobyerno ang lahat ng umiiral na batas lalo na ang kapangyarihan na magpatupad ng price freeze.
Ani, Secretary Dar, bumuo na ang ahensya ng Sub-Task Group on Economic Intelligence sa ilalim ng IATF Task Group on Food Security ( TGFS) na tutunton sa mga negosyanteng nagmamanipula sa presyo ng mga agri products.
Lahat anya ng mga ebidensya ay nagtuturo sa mga traders na siyang responsable sa pagtataas sa presyo ng baboy na ang kada kilo ay umabot na sa P400.
Aniya, P105 hanggang P150 lamang ang production cost ng baboy kaya’t nagkaroon ng P200 na farm gate price nito. Ang P200 na profit margin ay napakalaking kita na kapalit ng pagdurusa ng mga consumers.
Nakikipag-ugnayan na ngayon ang DA sa iba pang partner-agencies gaya ng DILG, DTI, PNP, DOJ at NBI para ipatupad ang batas laban sa mga abusadong meat traders.
- Latest