Character change, ‘di Charter change ang kailangan — Sotto
MANILA, Philippines — Inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na hindi pa siya kumbinsido na kailangan ang Charter change sa gitna ng mga pagkilos sa dalawang kapulungan ng Kongreso kamakailan upang amyendahan ang Saligang Batas.
Sinabi ni Sotto na kapag sinabing Charter change, hindi lamang aamyendahan kundi babaguhin nang buo ang Saligang Batas.
“Right now, I am not convinced that we need a Cha-cha, perhaps we need ‘cha-cha:’ character change. That’s what the country needs. So C-H-A C-H-A ‘din yon. But different pronunciation,” dagdag niya.
Kamakailan, inihain nina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Francis “Tol” Tolentino ang isang resolusyon na nanawagan na pulungin ang Kongreso bilang constituent assembly upang maghain ng “limitadong amendments” sa Saligang Batas.
Naghain din ng katulad ng resolusyon sa Mababang Kapulungan si Speaker Lord Allan Velasco na sumasakop lamang sa ilang probisyon sa ekonomiya.
- Latest