Populasyon ng Pinas papalo ng 110.8 milyon sa 2021
MANILA, Philippines — Inihayag ni Commission on Population and Development (POPCOM) Director Usec. Juan Perez na maaaring pumalo sa 110.8 milyon ang populasyon ng Pilipinas sa susunod na taon
Sa bilang na ito, madaragdagan ng 109.4 milyon ang populasyon ng bansa.
Inaasahan din ng POPCOM ang 1.31 porsyento ng growth rate ng bansa sa 2021 na mas mabagal kaysa 1.68 porsyentong growth rate noong 2016.
Giit ng POPCOM na bagama’t mabagal ang growth rate, maaaring lumobo sa 111.1 milyon ang populasyon ng bansa dahil sa hindi planadong pagbubuntis dala ng pandemic restrictions.
Habang aakyat ng mahigit 10 milyon ang senior citizen na kauna-unahan sa bansa.
Sa 2021 rin, aabot sa 71.2 milyon ang working age group na 64.15 porsyento ng populasyon.
Ayon kay Popcom Director Usec. Juan Perez mangangailangan ng mas maraming health workers at magbabakuna ng 80 porsyento ng populasyon sa gitna ng pandemya.
- Latest