^

Police Metro

Cash lane bukas na sa lahat ng toll gate — TRB

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang maibsan ang trapik ay pinabuksang muli kahapon ng Toll Regulatory Board (TRB) ang mga cash lane sa lahat ng expressway.

“Applicable po ‘yan sa lahat ng ating expressways,” ayon kay TRB spokesperson Julius Corpuz.

Aniya, may mga lugar na hindi kailangan ang cash lane dahil hindi masyadong nagagamit.

Ito ay matapos ang aberyang dulot ng mga pumapalyang RFID sticker na nagdulot ng matinding trapik sa mga toll gate.

Nitong nakaraang linggo, sinuspinde ng Valen­zuela City government ang business permit ng NLEX Corp. dahil sa hindi agarang pagresolba sa aberya.

TOLL REGULATORY BOARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with