^

Police Metro

Rep. Robes: Kritisismo sa pamahalaan hindi napapanahon

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinahayag ni San Jose del Monte City, Bulacan Rep. Florida “Rida” Robes na hindi ngayon ang tamang panahon upang magbato ng puna at kritisismo para lamang isulong ang layuning politikal at personal na interes matapos kumalat sa social media sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses ang #NasaanAngPangulo na umano’y ka­gagawan ng oposisyon.

Ayon kay Robes, nakapanghihina ng loob ang mga kritisismo sa gitna ng napakalaking problemang kinakaharap ng bansa na hindi lamang hinagupit ng kalamidad na dulot ng sunud-sunod na malalakas na bagyo kundi sa patuloy na banta ng nakahahawa at nakamamatay sa pan­demya ng coronavirus disease (COVID-19).

Idinagdag pa ng mam­babatas na ang napakala­king paghihirap na dinaranas ngayon ng bansa ay walang kahalintulad kaya’t maraming mamamayan ang nangangaila­ngan ng agarang tulong.

Sa halip anya na kondenahin ang pamahalaan, mas nararapat na gumawa ng kaukulang aksiyon ang lahat upang matulungan ang maraming mamamayan na nababalisa na sa hirap na dinaranas na dulot ng pandemya na sinundan pa ng magkasunod na malalakas na bagyo.

BAGYONG ULYSSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with