Price freeze sa mga lugar na sinalanta ng bagyo
MANILA, Philippines — Umiral na ang price freeze sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Ulysses.
Ito ang tiniyak kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinatutupad na ang price freeze sa Marikina, Batangas, Cavite, Catanduanes, Mindoro, Palawan at mga probinsiya ng Camarines.
Ang Department of Trade and Industry ang nagpapatupad ng price freeze sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad at iiral sa loob ng 60 araw.
“Yong price freeze declaration po na kabahagi ng state of calamity ay kasama po ang Marikina diyan,” ani Roque.
Ang pagpigil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay naaayon sa Price Act of 1992 kung saan otomatikong pinipigil ang presyo sa mga lugar na nagkaroon ng kalamidad.
- Latest