^

Police Metro

Ipo Dam nagpakawala ng tubig

Mer Layson - Pang-masa
Ipo Dam nagpakawala ng tubig
Sa inilabas na update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, nabatid na dakong alas-4:00 ng hapon nang isagawa ng pamunuan ng Ipo Dam ang water spilling ope­ration dahil na rin sa malapit na nitong maabot ang maximum water level nito dala ng mga pag-ulan dulot ng bagyo.
mwss.gov.ph

MANILA, Philippines — Dahil sa bagyong Rolly ay nagpakawala kahapon ang Ipo Dam ng tubig.

Sa inilabas na update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, nabatid na dakong alas-4:00 ng hapon nang isagawa ng pamunuan ng Ipo Dam ang water spilling ope­ration dahil na rin sa malapit na nitong maabot ang maximum water level nito dala ng mga pag-ulan dulot ng bagyo.

Aabot umano sa 47 cubic meters per se­cond ang approximate discharge ng tubig sa natu­rang dam.

Ayon sa PAGASA, hanggang alas-8:00 ng umaga nitong Linggo, ang antas ng tubig sa Ipo Dam ay umabot na ng 100.58 metro at maaari pa itong tumaas dahil sa bagyo, kaya’t nagpasya na silang magpakawala ng tubig.

Nabatid na ang normal high water level para sa Ipo Dam ay nakatakda lamang sa 101 metro.

IPO DAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with