^

Police Metro

Presyo ng karne ng baboy sa Metro Manila tumaas

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa bumabang produksiyon ng mga livestock farmers sa Southern at Central Luzon dulot ng African Swine Fever (ASF) ay tumaas ang presyo ng karneng baboy sa mga palengke sa Metro Manila.

Ito ang sinabi ni Bureau of Animal Industry Director Ronnie Domingo, dahil sa takot sa ASF, may ilang livestock farmers ay maagang  nag-harvest ng kanilang mga alagang baboy habang ang iba ay huminto muna sa pag-aalaga.

Ang mga naaapektuhan ng ASF ay bibilang pa muna ng walong buwan bago makabalik sa pagnenegosyo ng mga alagaing baboy depende sa kanilang compliance para sa disinfection requirements.

Inamin naman ni Agriculture Secretary William Dar na may pagtaas ang halaga ng karne ng baboy dahil sa layo ng pinagmumulan nito na papuntang Metro Manila.

Batay sa latest suggested retail price ng DA, ang presyuhan ng karne ng baboy sa MM ay P230 kada kilo ng  pork pige at kasim at P250 kada kilo ng liempo. - Gemma Garcia

ASF

MEAT PRODUCTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with