Beep cards ibigay ng libre — Duterte
MANILA, Philippines — “Kaya iyang card na ‘yan, card lang naman ‘yan, ibigay na ‘yan libre.Bakit pabayaran pa ‘yan? We have been wasting so many billions to corruption tapos hindi ‘yan, hindi mo maibigay.”
Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa kanyang televised na mensahe kamakalawa ng gabi dahil sa reklamo ng mga ordinaryong mamamayan na naapektuhan sa paggamit ng Beep card na kailangang bayaran at lagyan ng load bilang pamasahe.
“Una, ang reklamo ko na --- iyong mga Pilipino na hindi alam o walang kakayahan na maka --- makalakad kung saan sila papunta, bahay, umuwi ng bahay, umuwi ng ano, kung saan and they were not prepared with this card,” sabi ng Pangulo.
Kinuwestiyon ng Pangulo kung bakit kailangang bayaran ang mismong card gayong bilyun-bilyong piso ang nauuwi sa korapsiyon.
Pero, nilinaw ng Pangulo na ang mga commuters na ang dapat sumagot sa pagpalagay ng load sa Beep card.
Una nang inihayag ng Beep cards provider na AF Payments Inc. (AFPI) na hindi nila maaaring pagbigyan ang kahilingan ng Department of Transportation (DOTr) na tanggalin na ang card fees dahil kailangan din nila ng pambayad sa logistics, production, initialization, printing at distribusyon.
Nakatanggap ang AFPI ng donasyon para makapamigay ng nasa libreng 125,000 beep cards sa mga pasahero na hindi kayang bumili.
Inihayag naman noong Linggo ng DOTr na sususpendihin ang mandatory na paggamit ng Beep cards sa EDSA Busway hanggat hindi nareresolba ang isyu.- Mer Layson
Related video:
- Latest