^

Police Metro

7 suspek sa NCMH director, driver ambush/slay, kinasuhan ng murder

Mer Layson - Pang-masa
7 suspek sa NCMH director, driver ambush/slay, kinasuhan ng murder
Iprinisinta sa media ang larawan ng pitong suspek na bumaril at pumatay kay National Center for Mental Health (NCMH) Director Roland Cortez at sa drayber nitong si Ernesto Ponce Dela Cruz noong July 27.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Natukoy na ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga suspek na nasa likod nang pagpatay kay National Center for Mental Health (NCMH) Director Roland Cortez at ang drayber nito na si Ernesto Ponce Dela Cruz habang nasa loob ng sasakyan sa Tandang Sora, Quezon City na naganap noong July 27.

Sinabi ni QCPD Director P/Brig. Ronnie Montejo na kanilang sinampahan ng dalawang bilang ng murder ang pitong suspek at ilang hindi pa nakilalang mga indibidwal sa QC Pro­secutor’s Office.

Kinilala ang mga suspek na sina Sonny Sandicho, 42, residente ng Cainta Rizal; Clarita Avila, National Center for Mental Health (NCMH) Chief Administrative Officer; George Serrano at Harly Pagarigan na kapwa emple­yado ng NCMH; Roman Eugenio, 44, ng Cainta Rizal; Cristina Riego, ng Cainta, Rizal at Edison Riego, 26, online seller, ng Taytay, Rizal.

Ayon kay Montejo, ang pamamaslang sa director ng NCMH ay may kinalaman sa trabaho nito.

Nabatid na nagpapatupad ng mga reporma si Cortez sa NCMH, na nagresulta upang maim­bestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) at masampahan ng kaso si Avila.

Lumalabas na si Avila ay umano’y  sangkot sa katiwalian na may kaugnayan sa pagpapatakbo ng food catering gayundin sa clothing at medication procurement sa NCMH.

Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), si Sandicho umano ang nagsilbing driver ng getaway vehicle nang mangyari ang pagpaslang kay Cortez at Dela Cruz.

Patuloy naman na pinaghahanap ng QCPD sa iba pang mga sangkot na nasa likuran ng pagpatay sa dalawa. - Angie dela Cruz-

vuukle comment

AMBUSH

CRIME

SLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with