^

Police Metro

Maricel Soriano, humarap sa Senado

Malou Escudero - Pang-masa
Maricel Soriano, humarap sa Senado
Maricel Soriano

Dahil sa PDEA leaks…

MANILA, Philippines — Humarap kahapon ang aktres na si Maricel Soriano sa pagdinig ng Senate committee on public order and dange­rous drugs matapos siyang maugnay kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iligal na droga batay sa nag-leak na dokumento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong 2012.

Sa pagharap ni Soria­no sa pagdinig ng Se­nate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, diretsahan nitong pinabulaanan ang tungkol sa mga nag-leak na dokumento.

Ayon sa aktres, hindi niya alam ang tungkol sa mga dokumento at nalaman na lang niya ang tungkol dito nang ipakita ito sa kanya.

Magkagayunman, ina­min naman ni Soriano sa pagtatanong ni Committee Chairman Ronald “Bato” dela Rosa na siya ang may-ari ng condo unit sa Rockwell na unit 46-C Rizal tower buil­ding na naging subject ng operasyon ng PDEA noong 2012.

Pero, sinabi ni Soriano na naibenta na niya ang unit noon ding 2012 kaya lamang hindi niya maalala kung anong buwan niya ito naibenta.

Mariin ding itinanggi ng aktres sa Senado ang balita noong 2011 na binugbog niya ang dalawang kasambahay na nagsampa sa kanya ng kasong ‘serious physical injury’ dahil sa pananakit sa mga ito at paggamit ng cocaine.

Katwiran ni Soria­no, papaano naman niya bubugbugin ang mga ito na dalawa sila habang siya ay nag-iisa lang at umalis ang mga ito matapos siyang pagnakawan.

Mahahalata rin na kabado ang aktres habang sumasagot sa mga tanong ni Dela Rosa at hindi aniya siya sanay na humarap sa mga ganitong public hearing.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with