Panic buying, matinding traffic sa Metro Manila
Isang araw bago ang MECQ…
MANILA, Philippines — Sa bisperas nang pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ay nagkaroon muli ng ‘panic buying’ at mas mabigat na trapiko sa mga lansangan ng Metro Manila.
Sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na-monitor ang mas mabigat na trapiko sa mga pangunahing lansangan partikular sa mga lugar na malapit sa mga pamilihan tulad ng Balintawak, EDSA-Cubao, EDSA-Shaw hanggang Guadalupe, EDSA-Muñoz, at Baclaran.
Dagsa ang mga tao sa mga supermarket, groceries at mga palengke para mamili ng suplay sa kanilang mga bahay bago ang MECQ.
Sa Blumentritt Market sa Maynila, alas-5:00 ng madaling araw pa lamang ay marami nang mga mamimili. Ito ay bago ang pagpapatupad muli ng ‘no quarantine pass, no entry policy’ ngayong Martes.
Samantala, kahit kababalik lamang ng operasyon ng Pasig River Ferry Service, hindi muna magpapasakay ang MMDA ng mga regular na pasahero at ilalaan muna ito sa mga medical frontliners at mga empleyado ng pamahalaan habang umiiral ang MECQ.
Libre ito para sa mga frontliners at tauhan ng pamahalaan sa mga istasyon sa Pinagbuhatan, San Joaquin, Guadalupe, Valenzuela, Lawton at Escolta na may biyahe mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Kailangan lamang umano na magpakita ng balidong identification cards ng mga frontliners.
Related video:
- Latest