Lumalala ang sitwasyon ng COVID-19 sa mundo - WHO
MANILA, Philippines — “Mas lumalala ang sitwasyon ng coronavirus pandemic sa buong mundo kahit pa bumubuti ang lagay sa Europa”.
Ito ang iniulat ni World Health Organization’s Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang virtual news conference sa Geneva.
“The biggest threat is now complacency...most people globally are still susceptible to infection,” ani Ghebreyesus.
Ayon sa WHO, naiulat ang pinakamataas na daily tally ng bagong impeksiyon noong Hunyo 7, 2020.
Unang naging epicentre ng virus ang East Asia, sinundan ng Europa pero ngayon ay nangunguna na ang Amerika.
Ayon pa sa WHO, mahigit sa 100,000 kaso ang naiulat sa siyam sa 10 araw. Pero noong Linggo, mahigit sa 136,000 kaso ang naiulat -ang pinakamataas na bilang sa loob ng isang araw.
Sinabi ni Ghebreyesus na 75 porsiyento ng naiulat na kaso noong Linggo ay mula sa sampung bansa na karamihan ay sa Amerika at South Asia.
Ipinunto rin ni Ghebreyesus na mahigit anim na buwan na ang pandemic at hindi ito ang tamang oras para sa kahit anong bansa na tumigil sa paglaban sa virus.
Nilinaw ng WHO na sinusuportahan nito ang global movement laban sa racism at hindi tinatanggap ang anumang uri ng diskriminasyon at pinaalalahanan ang mga nagsasagawa ng kilos protesta na panatilihin pa rin ang distansiya, maghugas ng kamay at magsuot ng face mask.
- Latest