^

Police Metro

English professor tiklo sa pagtutulak

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang 40-anyos na state university professor matapos mahuling nagtutulak ng droga sa Brgy Aguiguican, Gattaran, Cagayan kahapon.

Kinilala ni Cagayan Police Director Colonel Ariel Quilang ang dinakip na suspek na si Roderick Paraiso, 40, English professor sa Cagayan State University sa bayan ng Gonzaga.

Ayon sa report, agad dinakma ng mga operatiba ang guro matapos tanggapin ang buy-bust money mula sa isang undercover agent na binentahan nito ng isang sachet ng shabu sa national highway dakong alas-11:00 ng umaga.

Ayon kay Quilang, isa sa mga naitalang high value at priority target ng mga awtoridad si Paraiso na isinailalim nila sa masusing pagmamanman.

Noong Biyernes, isa pang high value target na kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Benedict Carag, 34, ang natiklo sa pagtutulak sa bayan ng Solana, Cagayan.

Nakuha kay Carag ang tatlong sachet ng shabu at isang sachet ng pinatu­yong dahon ng marijuana.

ARIEL QUILANG

DROGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with