^

Police Metro

Flexible tuition payment schemes panawagan ni Go

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Magkaroon ng flexi­ble payment sa mga tui­tion ng mga estudyante lalo na ‘yong mga apek­tado ng COVID-19.”

Ito ang panawagan si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sa lahat ng mga paaralan, unibersidad at iba pang educational institutions dahil sa maraming nawalan ng trabaho at walang pagkukunan ng pampaaral sa kanilang mga anak.

“Baka ‘di kakayanin ng mga magulang ang malaking amount. Importante po hindi sila maantala o mahinto sa kanilang pag-aaral,” giit ni Go.

Nanawagan kama­kailan si Go sa Senate hearing sa mga pribado at government banking and financial institutions, katulad ng GSIS, SSS, at Pag-IBIG Fund, na magkaroon din ng flexible payment terms para sa mga personal at commercial loans, upang makabawi ang mga kababayan na naapektuhan ng pan­demya.

Sa naturang hearing, inatasan din ni Go si Commission on Higher Education (CHED) head, Prospero de Vera III, na siguruhin  na mapapadali at maayos ang implementasyon ng mga online o distance learning ng mga college students at iginiit din nito sa mga school officials na i-prayoridad ang kaligtasan ng mga estudyante.

“There are fears that students will be dange­rously exposed kapag pinapasok na sila habang ginagamit ang kanilang mga eskuwelahan as qua­rantine facility. Kindly check that also,” dagdag ni Go. 

CHRISTOPHER LAWRENCE GO

COVID-19

TUITION PAYMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with