National strategy vs pandemics isinulong
MANILA, Philippines — Isinulong ng isang mambabatas ang National Strategy vs pandemics upang hindi mabulaga ang bansa sa posible pang pagharap sa hamon ng epidemya sa hinaharap tulad ng COVID-19.
Sa House Bill 6650 na inihain ni Quezon City Rep.Precious Castelo, ipinanukala nito ang pagbuo ng “national response and preparedness stra-tegy” sa pagresolba sa pandemics at outbreaks ng malalang mga sakit tulad ng naturang virus.
Binigyang diin ng Kongresista na hindi naging handa ang buong mundo kabilang ang bansa sa COVID-19 outbreak sa kabila ng marami na ring buhay na nasawi sa kahalintulad na coronaviruses sa mga nagdaang taon.
Sinabi ng mambabatas na dahilan sa COVID-19 outbreak ang mga Pilipino ay naharap sa pinakamatinding krisis na hindi batid kung ano ang magiging kahinatnan.
Sa panukalang batas ni Castelo, ang Kalihim ng Deparment of Health ang mamamahala sa preparasyon ng pambansang istratehiya sa pagtugon sa pandemya.
- Latest