^

Police Metro

‘Workload’ ng mga guro na walang kinalaman sa pagtuturo, alisin

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinulong ni ACT-CIS Partylist Rep. Jocelyn Tulfo na alisin na ang sobrang “workload” ng mga guro na hindi naman kailangan o importante na kung tutuusin ay walang kinalaman sa pagtuturo ng mga ito sa kanilang mga estudyante upang masulit ang Agosto-Mayo school year sa ilalim ng “new normal”.

Ayon kay Tulfo , dapat alisin na ang mga aktibidad at pagpupulong sa school calendar na taliwas naman sa trabaho ng mga guro at dapat ding i-maximize o sapat  ang panahon ng contact-time ng mga ito sa mga estudyante.

“Trabaho ng teacher ang mag-lecture, maghanda sa pamamagitan ng paggawa ng lesson plan, at i-evaluate ang kanyang trabaho sa pamamagitan ng pagsusumite ng monitoring and evaluation reports.
Paigsiin ang sembreak. Alisin lahat ng mga non-academic extra-curricular events sa activities calendar. Marami iyan. Nababawasan ang contact time sa mga estudyante dahil sa maraming aktibidad na dagdag-trabaho sa mga guro,” giit ng lady solon.

Dapat, anya ibuhos ng mga guro ang atensyon ng mga ito sa Agosto hanggang Mayo sa klasrum para sa kanilang mga aktibidad at bawasan na ang mga extra curricular activities tulad ng mga commemorations at observances  para ma-maximise ang oras ng panahon ng mga ito sa klasrum.

JOCELYN TULFO

WORKLOAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with