^

Police Metro

Preso nahirapan sa paghinga tigok sa ‘sepsis at meningo’

Ludy Bermudo - Pang-masa

Tinanggihan ng iba’t ibang ospital

MANILA, Philippines — Isang person deprived of liberty (PDL) na nakapiit sa Manila Police District-Station 6 ang hindi na umabot nang buhay sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa hirap sa paghinga nang tanggihan din ng iba’t ibang pagamutan dahil sa pangambang may COVID noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Richard Abarquez, 47, driver at residente ng 2020 Revellin St., Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat ni P/Staff Sgt. John Teody Siguen kay MPD-Homcide chief, P/Captain Henry Navarro, alas 2:14 ng hapon ng Abril 8 nang ideklarang patay si Abarquez, sa PGH bunsod ng impeksiyon o sepsis at meningococcemia dahilan ng kanyang respiratory failure.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay nakapiit sa kasong iligal na droga o paglabag sa Republic Act 9165 na nadakip noong Marso 28, 2020 .

Nabatid na habang nakapiit ay nakitaan ng maraming rashes sa katawan pababa hanggang sa mga paa si Abarquez.

Abril 8, dakong alas-10:30 ng umaga nang magreklamo ang biktima na nahihirapan siyang huminga kaya ibiniyahe patungo sa ospital subalit nagpalipat-lipat umano ng iba’t ibang pagamutan at tinanggihang i-admit dahil umano sa CO­VID-19 issue.

Sa huli, tinanggap ang biktima sa PGH subalit idineklarang dead-on-arrival ni  Dr. Simonette Geston, attending physician. 
Sa inisyung death certificate, lumalabas na ang sanhi agarang pagkamatay ng biktima ay “acute respiratory failure with underlying cause of sepsis and meningococcemia.”

MENINGOCOCCEMIA

PRESO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with