^

Police Metro

DOH inilunsad ang libreng konsultasyon sa ‘Telemedicine’

Danilo Garcia, Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Department of Health (DOH) at National Privacy Commission (NPC) ang “Telemedicine Services” na minamanduhan ng mga doktor para makausap ng mga pasyenteng may katanungan sa kanilang kalusugan upang sa ganoon ay mapaluwag ang mga pagamutan at agad na maserbisyuhan ang mga nais magpakonsulta.

Sa ilalim ng DOH-NPC Joint Memorandum Circular, magbibigay sila ng libreng medical consultation sa pamamagitan ng telepono, chat, short messaging service o text message, at iba pang plataporma tulad ng visual-teleconferencing.

Magbibigay rin ang mga doktor ng “electronic case report” at maging mga electronic na reseta na maaaring i-print para makabili ng gamot.

Maaaring tumawag ang mga katanungang medikal sa DOH COVID-19 Hotline 1555 at (02)894-26843 para sa libreng konsulasyon sa mga volunteer doctors mula sa Philippine College of Physicians at University of the East-Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMC).

Nitong Abril 7, inumpisahan na ang Telemedicine sa Metro Manila sa pamamagitan ng: Telimed Ma­nagement and Medgate hotline-(02)8424-1724 at Globe Telehealth, Inc (KonsultaMD): (02)7798-8000 (libre para sa Globe/TM users). Marami pa umanong partnership ang binubuo sa mga darating na araw.

Tiniyak ng DOH na lahat ng ikokonsulta sa Telemedicine ay confidential at nasa ilalim ng data privacy.

Maging si Senador Sonny Angara ay isinulong na rin ang Telemedicine upang hindi na magtungo sa mga ospital at magpasuri sa doktor kung may iniindang sakit. Layon din umano ng telehealth na maabot ang mga nasa malala­yong lugar at maging daan din para magkaroon ang bansa ng digital medical records.

Para matiyak din umano ang maayos na daloy ng internet, hinikayat ng senador ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na siguruhing may internet connection maging ang malalayong lugar sa bansa.

TELEMEDICINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with