7 arestado sa P600K shabu
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang pito katao na umano’y drug pusher sa isang buy-bust operation sa lungsod ng Caloocan at Valenzuela, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Dario Menor, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy-bust operation sa A. Mabini Road, Brgy. 23, Caloocan City na kung saan nadakip sina Ann Margaret Pascual, alyas Love, 33, Baby Sitter, ng Phase II Area III Dagat-Dagatan; Lora Quimado, alyas Bajing, 27, vendor at Alexander Gabriel, 39, kapwa ng Sto. Tomas St. May Pajo, matapos bentahan ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P500 marked money at narekober ang nasa 38 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P258,400 ang halaga.
Sa Valenzuela,dakong alas-10:10 ng gabi nang masakote sa buy-bust operation sa kahabaan ng Feliciano Road, Brgy, Ugong ang mga suspek na sina Ernanie Joseph, alyas Nano, Grab Driver, vendor, 30, ng 57 J.B Miguel Bam-Bang St. Pasig City, Stephen Yu, alyas Steve, 35, driver, Alvin Escover, 39, driver, at Jacqueline Pornobe alyas Jacky, 34, head dresser, pawang residente ng Brgy. Mapulang Lupa at nasamsam ang nasa 60 gramo ng shabu na nasa P408,000 ang halaga, P10,000 buy-bust/boodle money at P500.00 cash.
- Latest