^

Police Metro

P5K multa sa hoarders, panic buyers sa Pasay

Ludy Bermudo - Pang-masa
P5K multa sa hoarders, panic buyers sa Pasay
Ito ang ipinasang ordinansa ng Pasay City Council na nangangahulugang limitado lamang ang dapat bilhin ng isang kustomer ng mga pagkain at iba pang essential products tulad ng alcohol, sanitizers, disinfectants, face masks para hindi naman maubusan o mawalan ang iba pang mamimili.
Aldo Nelbert Banaynal, file

MANILA, Philippines — Pagmumultahin ng P5,000 ang sinumang in­dibidwal na mahuhuli na magho-hoard at magpa-panic buying ng mga pro­dukto habang umiiral ang enhanced community qua­rantine dahil sa COVID-19.

Ito ang ipinasang ordinansa ng Pasay City Council na nangangahulugang limitado lamang ang dapat bilhin ng isang kustomer ng mga pagkain at iba pang essential products tulad ng alcohol, sanitizers, disinfectants, face masks para hindi naman maubusan o mawalan ang  iba pang mamimili.

Sa bawat transaksiyon, dapat na makabili lamang ng hindi lalagpas sa 3 lata ng sardinas; 5 pang canned goods ng iba pang produkto; 2 loaves of bread; isang dosenang itlog; 50 kilo ng bigas; isang litro ng mantika; 12 instant noodles; isang kilo ng asukal,isang kilo gatas o 12 sachets ; 2 bote o  packs ng condiments: soy sauce, vinegar, at fish sauce; six (6) packs of dried fish; 10 small bottles of mineral water, o  8 medium-sized bottles, o 5 large-sized bottles, o 2  extra-large bottles.

Sa non-food items, hanggang 2 tig-500 ml. bottles, o 3 na mas maliit ang size sa 500 ml, o isa lamang kapag mas malaki sa 500 ml; 2 lang na hand sanitizers kahit anong size; disinfecting liquids, 2 bottles ng  bath soap, 5 individual bars  o isang  pack; 10 tissue paper rolls o isa lang kung maramihan sa isang pack.

Hindi rin lalagpas sa 5 ang N88 surgical masks, at 5 N95 masks habanf disinfectant wipes or towelettes (wet wipes and baby wipes), 4 packs lang; detergent soaps (powder) 2 bundles kung sachet;  2 long bars detergent soaps (bar) o ang katumbas nito, apat lang na tubes ng toothpaste, at 4 na bote ng mouthwash.

Ang mga registered retailers, sari-sari stores, restaurants, hotels, at iba pang katulad na establisyemento ay 3X o tatlong beses sa dami ng ordinar­yong kustomer ang maaring bilhin.

natasan din ang mga grocery at supermarkets na maglagay ng patalastas o paalala sa kustomer na limitado lang ang dapat nilang bilhin sa mga partikular na basic necessities.

COVID-19

PANIC BUYING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with