Philippine envoy to Lebanon pumanaw sa COVID
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang pagpanaw kahapon ni Philippine Ambassador to Lebanon Bernardita Catalla dahil sa mga kumplikasyon na dulot ng coronavirus.
“With deep sadness, the Department of Foreign Affairs announces the untimely demise on 2 April 2020, of Ambassador Bernardita Catalla, Philippine Ambassador to Lebanon, from complications arising from Covid 19. “ ayon sa DFA
Si Ambassador Catalla ay 27 taon nang career diplomat na nagsilbi rin bilang Philippine diplomat sa Kuala Lumpur, Jakarta at naging Passport Director ng DFA.
Bago siya naging Ambassador sa Lebanon, naging Consul General sa Hong Kong si Ambassador Catalla.
Siya rin ang nanguna sa mass repatriation program ng Philippine Embassy sa Beirut mula December 2019.
- Latest