^

Police Metro

Emergency power ni Duterte inaprubahan sa House

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang magdeklara ng national emergency na naglalayong malabanan ang lumalalang krisis sa COVID 19 sa bansa ay inaprubahan kahapon ng House Committee of the Whole ang panukalang batas na nagbibigay ng karagdagang kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte 

Sa special session ng komite, ipinasa ng mga mambabatas ang House Bill 6616 (Bayanihan Act of 2020)  na nagdedeklara ng national emergency sa gitna na rin ng pagtaas ng mga kaso ng COVID 19 na kung saan ay nasa 396 na ang  naitalang kaso kung saan 33 ang nasawi habang marami pa ang Person Under Monitoring (PUMs).

Ang nasabing panukala kung kapwa maaprubahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ay magbibigay ng karagdagang kapangyarihan kay Pangulong Duterte sa loob ng maikling panahon ng emergency powers para mapigilan ang epidemya ng nasabing virus na isang global pandemic.

Matapos na makalusot na sa Committee of the Whole ang nasabing panukala ay magbibigay karagdagang kapangyarihan para pangasiwaan ni Pangulong Duterte ang pag-direct ng operasyon sa mga privately-owned hospitals , medical, health facilities, hotels, iba pang mga establisyemento para magamit ng  mga health workers, quarantine areas, qua­rantine centers, medical relief, pagtulong sa mga apektadong lugar at pansamantalang medical facilities. Magkakaroon din ang Pangulo para sa “reprogram, reallocate, and realign any appropriation” ng 2020 national budget para sa anumang mga pangangailangan na nais ni Pangulong Duterte para labanan at mapigilan ang pagkalat ng COVID 19. Gayundin para magkansela ng mga prog­rama, proyekto at iba pang mga aktibidad para makatipid ng pondo.

EMERGENCY POWER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with