^

Police Metro

Emergency power ni Duterte hirit sa Kongreso

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinihiling ng Malakanyang sa Kongreso na magdeklara ng national emergency at pagkalooban si Pangulong Rodrigo Duterte ng special power para matugunan ang krisis na idinulot ng no­vel coronavirus 2019 (COVID-19).

Sa isang sulat kay Senate President Vicente Sotto III na may petsang Marso 21, 2020, sinertipikahan ni Duterte ang pangangailangan sa isang panukalang batas na magpapahintulot sa pamahalaan na kumpiskahin pansamantala ang mga pribadong utilidad at negosyo para masolusyunan ang mga epekto ng COVID-19.

Inaasahang ang panukalang-batas ay tatalakayin sa special session ng Kongreso ngayong Lunes na ipinatawag ng Pangulo.

Sa panukalang-batas, pinahihintulutan ang Pangulo na pansamantalang kunin o idirihe ang operasyon ng mga pribadong public utility o mga negosyong  kabilang pero hindi limitado sa mga hotel, public transportation, at telecommunication entities.

Ang mga hotel ay gagamiting tirahan ng mga health worker o magsisilbing qua­rantine center o medical relief and aid distribution centers habang ang mga pampublikong sasakyan ay maghahatid sa mga health, emergency at frontline personnel.

Kukunin naman ng pamahalaan ang mga telecommunication entities para sa uninterrupted communication channels ng pamahalaan at ng publiko.

Mananatili sa mga may-ari ng mga negosyo ang panga­ngasiwa sa mga ito pero ang operasyon ay susubaybayan ng Pangulo o ng kanyang kinatawan.

Bibigyan din ang Pangulo ng kapangyarihan na bumili ng mga testing kits, umupa ng properties at magpagawa ng mga temporary medical facilities nang hindi na dadaan sa rules on procurement.

EMERGENCY POWER

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with