^

Police Metro

Operation ng Benguet General Hospital ibabalik sa gobyerno

Pang-masa

MANILA, Philippines — Aprubado na sa Kongreso ang panukalang batas na maglalayong ibalik sa national go­verntment ang pamamahala sa Benguet General Hospital (BGH) sa La Trinidad.

Ito ang inihayag kahapon ni Benguet Legislative caretaker at ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap, na siya ring may akda ng House Bill 6171, o Re-nationalizing the BGH na ang layunin ng panukala na maibalik sa direktang pamamahala ng Department of Health ang naturang ospital.

“Magandang balita ito para sa mga kababayan natin sa Benguet. Konting hakbang na lamang ay maisasabatas na ito. Malapit na nating matiyak ang magandang serbisyo ng ospital para sa mga taga-Benguet,” ayon kay Cong. Yap. 

Sa ilalim ng panukala, gagawing 400-bed capacity ang ospital at dadagdagan ng pondo para makabili ito ng mga makabagong kagamitan.

Kasama rin dito ang kumpletong mga benepisyo ng health workers na nagtatrabaho sa natu­rang ospital, magandang pasilidad at iba pa na mapapakinabangan ng mga residente ng Benguet.

BENGUET GENERAL HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with