^

Police Metro

Shootout: Pulis, 2 pusher todas

Joy Cantos - Pang-masa
Shootout: Pulis, 2 pusher todas
Sa report ni Police Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro, Police Regional Office 7 Director, bandang alas-5:30 ng hapon nang magsagawa ng anti-drug operation ang Special Operations Unit (SOU) 5 ng PNP Drug Enforcement Group sa nasabing lugar.
File

MANILA, Philippines — Isang pulis na nagpanggap na poseur buyer at dalawang drug pusher ang nasawi nang mauwi sa barilan ang isang anti-drug operation sa San Roque Tabada, Brgy. Mambaling, Cebu City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing pulis na si Police Master Sergeant Maximino Macua Jr, miyembro ng anti-drug team sa nasabing operasyon.

Sa report ni Police Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro, Police Regional Office (PRO) 7 Director, bandang alas-5:30 ng hapon nang magsagawa ng anti-drug operation ang Special Operations Unit (SOU) 5 ng PNP Drug Enforcement Group sa nasabing lugar.

Habang isinasagawa ang surveillance operation ay nakahalata ang target na drug pusher na undercover agent si Macua kaya agad itong pinaputukan na nauwi sa shootout ng magkabilang panig.

Napuruhan si Macua sa nasabing barilan na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay idineklara na itong dead-on-arrival.

Naaresto ang dala­wang suspek na sina Je­ramea Zafra at ang sugatang si Franco Obes na nagpapagamot sa ospital.

Nagsagawa ng hot pursuit operation, bandang alas-11:15 ng gabi ay napaslang ang dalawang suspek sa Brgy. Qulot, Cebu City na ang isa ay nakilalang si Ronald Sagamo habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa nitong kasamahan at nahuli rin ang isa pang drug suspect na si Richie Requinto.

vuukle comment

ANTI-DRUG OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with