^

Police Metro

Parak na ‘tulak’ bulagta sa buy-bust

Jorge Hallare - Pang-masa
Parak na ‘tulak’ bulagta sa buy-bust
Sa ulat ni Major Ma. Luisa Calubaquib, taga­pagsalita ng Police Regional Office 5 (PRO-5) dakong alas-11:43 ng tanghali nang ikasa ng Camarines Sur at Nabua Police ang operasyon laban kay Cabañez na itinuturing na high value target.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang aktibong pulis na suma-sideline bilang ‘tulak’ ng droga matapos manlaban sa ginawang buy-bust ope­ration ng kanyang mga kabaro sa Zone-6, Brgy. Topas Proper sa bayan ng Nabua, Camarines Sur kahapon ng tanghali.

Tinangka pang isugod sa Tanchuling Hospital sa Iriga City pero dineklarang dead-on-arrival ang suspek na si Patrolman Domingo Rayosa Cabañez Jr, residente ng nasabing barangay at nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Section ng Camp Gen. Simeon Ola.

Sa ulat ni Major Ma. Luisa Calubaquib, taga­pagsalita ng Police Regional Office 5 (PRO-5) dakong alas-11:43 ng tanghali nang ikasa ng Camarines Sur at Nabua Police ang operasyon laban kay Cabañez na itinuturing na high value target.

Gayunman, matapos na magkaabutan ng droga ay nakahalata ang suspek na mga kapwa pulis ang kanyang katransaksyon kaya bumunot ito ng kanyang baril pero naunahan siyang paputukan ng mga operatiba.

Nabawi sa suspek ang 3 sachet ng shabu, P500 buy-bust money at kalibre .38 baril.

Nabatid na nakapasok bilang pulis si Cabañez noong 2005 sa Camarines Sur Provincial Office pero na-discharge noong Enero 20, 2016 dahil sa pag-AWOL (absent without official leave) pero muling nakabalik sa serbisyo noong Nobyembre 18, 2018 at itinalaga sa loob ng Kampo Ola.

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with