^

Police Metro

Parak, 2 kasama inaresto sa carnapping

Mer Layson - Pang-masa
Parak, 2 kasama inaresto sa carnapping
Sa imbestigasyon ng pulisya, humingi ng police assistance ang biktimang si John Ernie Abelardo, 27, ng Bina­ngonan, Rizal matapos makita niya ang mga spare parts ng kanyang motor na naka-post sa facebook ni Hermosa at ibinibenta.
File

MANILA, Philippines — Tatlong katao kabilang ang isang aktibong pulis ang dinakip ng mga otoridad sa isang entrapment operation habang tinatanggap ang bayad sa ninakaw na motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang mga inarestong suspek ay kinilalang sina Police Corporal Michael Dela Cruz, 27, residente ng Bagong Silang, Caloocan City at nakatalaga sa Novaliches Police Station (PS 4); Allan Hermosa, 37, ng Camarin Caloocan City, at Carlito Felicitas, 32 ng  Malaria, Caloocan City. 

Sa imbestigasyon ng pulisya, humingi ng police assistance ang biktimang si John Ernie Abelardo, 27, ng Bina­ngonan, Rizal matapos makita niya ang mga spare parts ng kanyang motor na naka-post sa facebook ni Hermosa at ibinibenta.

Alas-9:00 ng gabi nang magsagawa ng  entrapment operation ang mga tauhan ng Novaliches Police at mismong si Abelardo ang tuma­yong buyer na ang transaksiyon ay isinagawa sa harap ng isang fast food sa Quirino Highway kanto ng Regalado St., Brgy. Greater Lagro.

Nang magkaabutan ng bayad ay doon na ina­resto ang mga suspek at nakumpiska sa ang dalawang spare parts ng 2005 model, asul na Suzuki Shogun motorcycle (No. XI3656).

Nabatid na ang motorsiklo ni Abelardo ay ninakaw habang naka­parada sa supermarket sa Gen. Luis St., Brgy. Nova Proper noon pang April 13, 2019.

MICHAEL DELA CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with