^

Police Metro

Taguig City nagsagawa ng medical mission at relief operation sa mga Taal evacuees

Pang-masa
Taguig City nagsagawa ng medical mission at relief operation sa mga Taal evacuees
Ikinakarga ng mga tauhan ng relief operation ng Taguig City gov’t ang mga relief goods na ipamamahagi nila sa mga biktima ng Bulkang Taal.

MANILA, Philippines — Sa ikalawang pagkakataon ay muling bumalik ang pamahalaang lungsod ng Taguig para maghatid ng tulong sa mga apektadong residente ng pagputok ng Bulkang Taal.

Namahagi ng libreng medical assistance at relief packs sa higit 122 na pamilya mula sa bayan ng Laurel sa Splendido Evacuation Site.

Nabatid na nagtulung-tulong ang iba’t ibang departamento ng lokal na pamahalaan ng Taguig upang masigurado na mabibig­yang responde ang bawat pangangaila­ngan ng halos 500 indi­bidwal na lumikas sa kani-kanilang tahanan upang makaiwas sa mas matinding panganib.

Ang charitable effort na ito ay nagsimula sa isang medical mission na pina­ngunahan ng Taguig City Health Office matapos humingi ng tulong-medikal ang lokal na pamahalaan ng Laurel para sa mga evacuees nito. Nagdala rin sila ng isang botika kung saan maaa­ring makakuha ng mga gamot ang mga nanga­ngailangan.

Nakatanggap ng mga food packs, tubig, hygiene kits, kumot, at ba­nig mula sa Taguig City Social Welfare and Development.

Ang medical mission at relief operation na ito ay naging posible sa pakiki­pagtulungan sa mga opisina nina Sen. Pia Cayetano, House Speaker Alan Peter Cayetano, at Taguig 2nd Dist. Rep. Lani Cayetano.

RELIEF OPERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with