Hideout ng NPA sinalakay, 1 patay
MANILA, Philippines – Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) nang salakayin ng tropa ng sundalo ang kanilang hideout sa bulubunduking bahagi ng Mt. Oblan, Misamis Oriental kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Army’s 403rd Infantry Brigade (IB) Commander Brig. Gen. Eduardo de Leon, alas-5:00 ng hapon nang salakayin ng kanyang tropa ang hideout ng mga rebelde na kung saan ay agad nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasawi ng isang rebelde na inaalam pa ang pagkakakilanlan.
Nasa 15 rebelde ang nakasagupa na mabilis na nagpulasan ng takbo sa pagtakas matapos ang 30 minutong palitan ng putok.
Narekober sa encounter site sa Mt. Obulan sa Brgy. Banglay, Lagonglong ng lalawigang ito ang dalawang M653 rifle, isang M16 rifle, isang AK 47 assault rifle, isang garand rifle at isang cal 22 shotgun.
- Latest

















