Customs employee timbog sa suhol
MANILA, Philippines — Isang personnel-on-duty na nakaistasyon sa Manila International Container Port (MICP) at sinasabing tumanggap ng suhol ang inaresto noong Martes ng gabi.
Ang suspek ay kinila-lang si Assistant Custo-mers Operations Officer na si Cesar Nierva na umano ay tumanggap ng kabuuang P7,880 cash na iniipit sa mga dokumento na inihain sa Entry Processing Unit (EPU) kaya’t inaresto ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).
Isinagawa ang pag-aresto alinsunod sa anti-corruption driver ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, na nag-aatas kay Deputy Commissioner for Intelligence Group (IG) Raniel Ramiro na tugisin ang mga corrupt officials at employees ng bureau.
Dinala na si Nierva sa Manila Regional Trial Court (RTC) para isai-lalim sa inquest procee-dings dahil sa paglabag sa Article 210 ng Revised Penal Code, na nagbabawal sa mga emple-yado ng pamahalaan na tumanggap ng anumang alok, pangako, at regalo na may kaugnayan sa pagtupad nila sa kanilang official duties.
- Latest