Rice importation pinasuspinde ni Duterte
MANILA, Philippines — Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Agriculture Sec. William Dar na pansamantalang suspindihin ang importasyon ng bigas ngayong panahon ng anihan ng mga lokal na magsasaka.
Nilinaw din ng Pangulo sa media briefing sa Palasyo kamakalawa ng gabi na hindi niya ipinapatigil ang tariffication kundi ang utos niya kay Sec. Dar ay bilhin ng gobyerno ang ani ng mga magsasaka.
“Ganito, kung gusto talaga natin walang problema. Bilihin lahat ng produce ng farmers.Ngayon, mahal. Farmgate nila, babawi sila, hindi na bale. Gagastos tayo bilyon, bilhin natin.Tapos, wala, palugi tayo,” paliwanag ni Pangulong Duterte.
“Para yung mga farmers, may resulta sa pawis nila. Sinong nalugi? Wala, tayong mga Pilipino. Bilhin natin lahat yan. Tapos dagdagan natin kasi kulang talaga,” dagdag ng Pangulo.
Aniya, mag-aangkat pa din ng bigas bilang bufferstock dahil kulang ang rice supply ng local farmers para sa 110 milyong Filipino.
- Latest