92% ng mga Pinoy may bulok na ngipin
MANILA, Philippines — Umaabot na sa 92 porsiyento ng mga Filipino ang may bulok na ngipin, samantalang 78% naman ang may gum disease.
Kaya’t isinusulong ni Sen. Sonny Angara ang Senate Bill 962 na naglalayong magtayo ng dental health unit sa bawat rural health center sa bansa sa pangangasiwa ng Department of Health.
Anya, mahalagang maabot ang pinakamahihirap na Filipino sa malalayong lugar at probinsya at maalagaan ng mga dentista.
Sa datos ng Philippine Prosthodontic Society noong 2016, tinatayang 7 milyong Pinoy ang hindi pa nakapagpapa-check up sa dentista dahil sa takot na malaki ang magagastos dito.
- Latest