Marines ipinadakip ng misis
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang isang miyembro ng Philippine Marines makaraang hainan ng warrant of arrest sa loob ng Fort Bonifacio sa Taguig City.
Nakilala ang dinakip na si Marine Corporal Erickson Obias, nakatalaga sa Marine Security Group (MSEG) ng Philippine Marines sa Lawton Avenue, Fort Bonifacio, ng naturang lungsod.
Inihain kay Obias ang warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children Act na inilabas ng Nueva Ecija Regional Trial Court Branch 29 dakong alas-5:30 ng hapon.
Kusang-loob namang sumama sa mga tauhan ng District Special Operations Unit si Obias nang ihain sa kanya ang warrant at magkaroon ng koordinasyon sa pamunuan ng Philippine Marines.
Nabatid na mismong ang misis ni Obias na si Theresa Basco Obias ang humingi ng tulong sa SPD para maaresto ang mister dahil sa umano’y pangmamaltrato sa kanya nito.
- Latest