Senado dinidinig na ang Malasakit Center bill
MANILA, Philippines — Isang panukalang batas para sa pagtatatag ng mga Malasakit Centers sa buong bansa ang inumpisahan ng dinggin sa Senado.
Ayon kay Sen. Bong Go, na layunin ng Senate Bill No. 199, na kikilalanin bilang Malasakit Center Act of 2019, ay gawing institusyon ang nasabing one-stop shop ng mga ahensiya ng gobyerno na kinabibilangan ng PCSO, PAGCOR, PhilHealth, DSWD, at DOH na mahihingan ng tulong ng mga kapus-palad na mga kababayan sa pagpapagamot o pagbayad ng mga hospital bills.
Ang pagsasabatas ng one-stop shop ay magsisiguro na maipagpatuloy ang programang ito kahit tapos na ang termino ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ng mambabatas mula sa Davao, “dahil walang iisang opisina kung saan maaaring dumulog ng tulong ang ating mga kababayan, kailangan pa nilang pumila ng pagkahaba-haba sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno”.
Nagpakita naman ng suporta ang iba’t-ibang ahensiya sa naturang panukalang batas ni Sen. Go tulad ng PhilHealth, DSWD, DBM, Philippine Coalition of Consumer Welfare sa pagdinig sa Senado.
- Latest