^

Police Metro

Bidding sa Marketing & Advertising sa 30th SEA Games pinagkakaguluhan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagkakaguluhan umano ang mangyaya­ring bidding sa ginaganap na bidding sa Procurement service DBM of an Intergrator for the Marketing, Advertising, Media Placement, Video and Print Production and Coverage Service ng 30th South East Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30.

Ito ang inihayag ng mga dismayadong bidders dahil sa isang Tats Zusara, na nagpakilalang tauhan umano ni House Speaker Alan Peter Ca­yetano ang nakikialam umano sa bidding process at sinabing nai-award ang proyekto.

Ipinagtataka ng mga bidders kung bakit sinasabi umano ni Zusara na nai-award na ang proyekto gayung ngayon pa lamang (September 13) magsisimula ang proseso ng bidding.

Maging ang mga taga Department of Budget and Management (DBM) na siyang magbibigay ng pondo para sa proyekto ay nai-imbiyerna at naiinis na rin umano’y sa pang­hihimasok ni Zusara sa bidding process.

Sinabi ng isang bidder na humiling na huwag ng ibigay ang kanyang pa­ngalan, tila ‘moro-moro’ lamang ang isasagawang bidding procedure.

Kaya’t nananawagan sila kay Pangulong Rodrigo Duterte na silipin nito ang bidding process upang maibigay sa karapat-dapat na kumpan­ya na may kakayahan na maipatupad ang proyekto.

Tinangka ng pahayagang na tanungin ang opisina ni Speaker Cayetano kung tauhan nga niya ang isang Tats Zusara wala pang sagot hinggil dito.

SOUTH EAST ASIAN GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with