^

Police Metro

Lady BIR official, kinasuhan si Mon Tulfo

Pang-masa
Lady BIR official, kinasuhan si Mon Tulfo
Sa 36 na pahinang reklamo sa Quezon City Pro­secutor’s Office noong Biyernes, limang bilang na kasong libelo, anim na cybel libel, limang bilang ng incriminatory machinations at anim na bilang ng cyber­ forgery ang isinampa ni Angeles laban kay Tulfo.
Facebook/pg/IMKTOfficial

MANILA, Philippines — Muling sinampahan ng bagong kasong libel, cyber­ libel, cyber forgery at incriminatory machinations si Ramon Tulfo ng isang babaeng opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa umano’y pagpapakalat ng malisyoso at maling akusasyon laban sa kanya.

Itinanggi ng complainant na si BIR Assistant Commissioner for Client Support Services Teresita Angeles na siya ang babaing tinutukoy ni Tulfo sa kanyang kolum noong Agosto 6 ng kasalukuyang taon at inilagay sa kanyang social media account na may kausap na lalaking kawani rin ng ahensiya dahil hindi ito nangyari kailanman.

Sa 36 na pahinang reklamo sa Quezon City Pro­secutor’s Office noong Biyernes, limang bilang na kasong libelo, anim na cybel libel, limang bilang ng incriminatory machinations at anim na bilang ng cyber­ forgery ang isinampa ni Angeles laban kay Tulfo.

Bukod dito, humihingi rin ng danyos na nagkakahalaga ng P40 milyon si Angeles, bukod pa sa kabayaran sa abogado hanggang sa kabuuan ng pag­lilitis sa kaso.

Sa naturang kolum, nakasaad ang malabong pag-uusap na binalangkas ng isang babae at isang lalaki na ayon kay Tulfo ay sina Angeles at executive assistant at the Bureau of Internal Revenue (BIR), Adonis M. Samson na nangyari noong buwan ng Agosto, 2017 sa Harvard University, Cambridge, Massachusetts sa Estados Unidos kung saan kumukuha ng kurso ang dalawa. Una na rin itinanggi ni Samson ang aku­sasyon at naghain na rin ng mga kasong libelo at cyber libel noong nakaraang linggo laban kay Tulfo.

MON TULFO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with