^

Police Metro

Mon Tulfo, pinaaaresto sa paglabas sa ibang bansa

Pang-masa
Mon Tulfo, pinaaaresto sa paglabas sa ibang bansa
Ang mga panuntunan ng hukuman na nagsasabing ang akusadong napalaya sa pamamagitan ng piyansa ay “may be re-arrested without the necessity of a warrant if he attempts to depart from the Philippines without permission of the court where the case is pending.”
Facebook/pg/IMKTOfficial

MANILA, Philippines — Dahil sa paglabas sa ibang bansa ng walang pahintulot ng korte ay hiniling ng abogado ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre na si Atty.TJ San Luis muling pinaaaresto sa PNP si Mon Tulfo alinsunod sa Rule 114, Section 23.

Ang mga panuntunan ng hukuman na nagsasabing ang akusadong napalaya sa pamamagitan ng piyansa ay “may be re-arrested without the necessity of a warrant if he attempts to depart from the Philippines without permission of the court where the case is pending.”

Sa isang liham kay Philippine National Police Chief Oscar Albayalde mula kay San Luis, ay binigyang-diin na ang kolumnista ay mayroong naka­binbin na kasong libelo na inihain ni Aguirre sa Branch 46 ng Manila Regional Trial Court at nakapagpyansa, ay hindi humingi ng permiso mula sa korte na makapangibang bansa bilang bahagi ng entourage ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China. 

Ang kasong libelo ay iba pa sa P200-million libel complaint na inihain ng dating justice secretary laban kay Tulfo sa Department of Justice dahil sa “malicious, libelous and defamatory” na mga kolum nito na isinulat niya para sa The Manila Times at Facebook posts mula Abril ngayong taon. 

Humihingi si Aguirre ng P150 mil­yon na moral damages, at mahigit P50 milyon sa exemplary fees at attorney’s fees mula sa mga kinasuhan.

vuukle comment

MON TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with