^

Police Metro

4 Chinese drug lords pinalaya ng BuCor

Malou Escudero - Pang-masa
4 Chinese drug lords pinalaya ng BuCor
Ito ang ibinulgar ni Senator Panfilo “Ping” Lacson batay sa nakuha niyang listahan ng ilang bilanggo na nakalaya kamakailan mula sa New Bilibid Prison at kasama ang pangalan ng apat na Chinese drug lords na nahatulan dahil sa ilegal na droga.
The STAR/Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Pinalaya umano ng Bureau of Corrections (BuCor) ang apat na Chinese drug lords noong nakaraang Hunyo.

Ito ang ibinulgar ni  Senator Panfilo “Ping” Lacson batay sa nakuha niyang listahan ng ilang bilanggo na nakalaya kamakailan mula sa New Bilibid Prison at kasama ang pangalan ng apat na Chinese drug lords na nahatulan dahil sa ilegal na droga.

Ini-release ang mga Chinese drug lords sa Bureau of Immigration para posibleng deportasyon sa kabila ng kanilang hatol dahil sa paglabag sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Ang apat ay mula sa Building 14 ng Maximum Security Compound bago inilipat sa Bureau of Immigration and Deportation.

Hindi naman tiyak ni Lacson kung pinakawalan ang apat dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Humihingi na rin ng kopya si Lacson  ng listahan ng mga nakalaya noong Agosto 20 kung saan kasama dapat si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez pero nawawala umano ang kopya.

Kung paniniwalaan ang pahayag ng mga miyembro ng pamilya ni Sanchez, mayroong isang release order na inilabas noong Agosto 20 kung saan nakapag-fingerprint na umano si Sanchez.

BUREAU OF CORRECTIONS

CHINESE

DRUG LORDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with