7 establisimyento na nagbebenta ng alak sa Maynila, ipinasara
MANILA, Philippines — Ipinasara kahapon ng pamunuan ng lungsod ng Maynila ang pitong establisimyento matapos na madiskubreng patuloy na nagbebenta ng mga inuming nakalalasing sa Sherwood Place sa Taft Avenue, Manila na malapit sa La Salle University.
Agad na nilagyan ng “Closed” ang mga establisimyentong Plato Inc.; G Zone Bistro; Ria’s Bourne Restobar; Ricetaft Restaurant; Surf Spot Cafe; Hookah Restobar; at Verano restobar.
Ang mga establisimyento ay isinara dahil sa paglabag sa city ordinance sa pagbebenta ng mga alak within 200 meter sa mga paaralan at unibersidad.
Nais ng local na pamahalaan na mapigilan ang cutting classes ng mga estudyante at mas pagtuunan ang pag aaral.
Maaari naman magbenta ng pagkain at iba pa ang mga nasabing restaurant dahil alak lamang ang ipinagbabawal.
- Latest