^

Police Metro

Provincial bus terminal sa Edsa, hindi aalisin

Angie dela Cruz - Pang-masa
Provincial bus terminal sa Edsa, hindi aalisin
Sa pulong ay nalaman ni Castelo na may 3% lamang ng mga provincial bus ang napasok sa Quezon City taliwas sa ulat na ang mga pumapasok na bus mula probinsiya ang ugat ng traffic sa lungsod.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Hindi umano aalisin ang mga provincial bus terminal sa Quezon City na nasa kahabaan ng Edsa.

Ito ang sinabi ni QC Councilor Winston Castelo makaraang sumalang sa isang dialogue sa QC Hall sa pagitan ng mga bus owner sa lungsod.

Sa pulong ay nalaman ni Castelo na may 3% lamang ng mga provincial bus ang napasok sa Quezon City taliwas sa ulat na ang mga pumapasok na bus mula probinsiya ang ugat ng traffic sa lungsod.

“Three percent lang ang provincial bus na pumapasok sa QC,so napakaliit nila, kung ti­tingnan natin, hindi sila rason ng traffic, there could be someone else.Kaya nga magsasagawa muna kami sa council ng malalimang imbestigasyon bago aksiyonan ang usaping ito”, wika ni Castelo.

Sa plano ng pamahalaan, ang mga provincial bus na magmumula sa norte ay ibaba ang mga pasahero sa Valenzuela terminal at saka sasakay muli ng pampasaherong sasakyan papunta sa kanyang destinasyon, samantalang ang mga galing South ay ibaba ng provincial bus ang kanilang pasahero sa Parañaque Integrated Terminal at saka sasakay ulit ng pampasaherong sasakyan papasok ng Metro Manila.

Para bawas traffic sa QC, ay bubuksan ang ilang mga kalsada sa lungsod na maaa­ring maging dagdag na ruta, gayundin ang mga subdibisyon, aalisin ang mga colorum vehicles para mabawasan ang mga gumagamit ng kalsada sa mga major routes.

PROVINCIAL BUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with