^

Police Metro

Pagpapataw ng tax sa Chinese workers, sinuportahan

Malou Escudero - Pang-masa
Pagpapataw ng tax sa Chinese workers, sinuportahan
Ayon kay Senate Pre­sident Pro Tempore Ralph Recto dapat ay walang “great wall” na hahara­ngan at magbibigay ng proteksiyon sa Chinese labor sa pagbabayad ng buwis sa kinikita nila sa Pilipinas.
File

MANILA, Philippines — Sinuportahan ng Se­nado ang plano ng gobyerno na pagbayarin ng buwis ang mga Chinese workers sa bansa.

Ayon kay Senate Pre­sident Pro Tempore Ralph Recto dapat ay walang “great wall” na hahara­ngan at magbibigay ng proteksiyon sa Chinese labor sa pagbabayad ng buwis sa kinikita nila sa Pilipinas.

Sinabi ni Recto na dapat sundin ang ultimatum ng Department of Finance sa mga Chinese employees at employers tungkol sa pagbabayad ng buwis.

Dapat aniyang tiyakin muna na nakakakolekta ng buwis bago itaas ito.

Idinagdag pa ni Recto na baka kaya nagdadag­saan ang mga dayuhan sa Pilipinas ay dahil masyado maluwag ang gobyerno at nalulusutan ang BIR, DOLE at Bureau of Immigration.

Sinabi ni Recto na ang mga Filipino workers at mga professionals ay nagbayad ng nasa P37- bilyong income tax noong 2017,  na kumakatawan sa 20 porsiyento ng kabuuang buwis.

Ayon pa kay Recto, sa bawat P5 ibinabayad na buwis, P1 dito ay nagmula sa mga individual income earners.

Idinagdag din ni Recto na hindi maaaring istrikto ang BIR sa mga manggagawang Filipino pero hindi sa mga fo­reign nationals.

CHINESE WORKERS

TAX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with