18 establisyimento ng Chinese ipinadlak
MANILA, Philippines — Ipinasara kahapon ng pamahalaang lungsod ng Parañaque ang 18 establisyimento ng mga Chinese nationals dahil sa kawalan ng business permits.
Ayon kay Atty. Melanie Malaya, hepe ng Parañaque Business Permit License Office (BPLO), halos dalawang linggo silang nagsagawa ng mapping-up operation sa mga negosyo sa lungsod hanggang sa madiskubre ang mga establisyimento na iligal na nag-ooperate.
Kabilang dito ang Wu Pinna Restaurant; Tuixianglo Restaurant; Sunshine Mart; All Thing Supermarket; at Juzi Mart na matatagpuan sa Barangay Baclaran; Shabu-Shabu Restaurant; Chinli Eatery; Shaxian Food Pub, Abner and Angels Food House; Dao Dao Chinese Restaurant; Chinli Eatery sa Barangay Tambo; at ang Yaki Yaki Homemade Dish na nasa Barangay Sto. Niño habang wala namang opisyal na pangalan ang ibang establisyimento.
Bukod sa kawalan ng business permit, hindi rin sumusunod ang mga negosyo sa environment code at sanitation ng lungsod.
- Latest