Filipino, Panitikan inalis na sa curriculum
MANILA, Philippines — Ang subject na Filipino at Panitikan (Philippine Literature) ay maaari nang alisin sa kolehiyo.
Batay ito sa nakasaad sa pinal na limang pahinang resoluyon ng Korte Suprema kung saan ito rin ang kanilang desisyon noong Oktubre 9, 2018.
Ayon sa SC, walang bagong inihain na pleadings ang mga petitioner upang mabaligtad ang naunang desisyon.
Matatandaan na pinaboran ng SC ang memorandum order No. 20 ng Commission on Higher Education (CHEd) na ibaba sa 36 units ang general education (GE) curriculum at tanggalin na ang Filipino at Panitikan.
Kinuwestiyon ito ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino sa pagsasabing nakasaad sa Konstitusiyon na dapat na isama ang Filipino at Panitikan subject sa curriculum at sa lahat ng antas.
Binigyan diin pa ng SC na sa pagbabawas ng subject, hindi naman ito makakaapekto sa academic freedom ng mga unibersidad at kolehiyo .
Dagdag pa ng SC ang K-12 law, ay maituturing na police power measure na maglalayong i-promote ang interes ng publiko sa pag-aaral at hindi na iilan lamang.
- Latest