Pulis todas, 3 sugatan sa banggaan
MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Patrolman Jose Nipahoy Heggog, 27, ng Brgy. Umilag, Lamut, Ifugao nang aksidenteng bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang tricycle na ikinasugat din ng tatlong iba pa kamakalawa sa kahabaan ng provincial road, Brgy. Lawig, kamakalawa.
Ang mga nasugatan ay sina Henry Dulin, retiradong pulis; Duff Dulnuan, 34, overseas Filipino worker; at Cadet 3d Class Jeslee Tuguinay, 23, ng Philippine Military Academy (PMA).
Sa ulat, bago nangyari ang sakuna bandang alas-6:00 ng gabi sa nasabing lugar ay kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang kulay itim na Honda TMX tricycle (2445 XS ) na minamaneho ni Dulin nang makabanggaan nito ang motorsiklo ni Heppog nang biglang lumiko sa kaliwang bahagi papasok na sa gate ng isang bahay sa lugar nang mabulaga ito sa motorsiklo.
Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon sa motorsiklo ang driver na si Heggog at backrider nito kung saan napuruhan sa ulo ang nasabing parak na idineklarang dead on arrival sa Panopdopan District Hospital.
- Latest