Ronnie Ricketts kulong ng 8 taon sa graft
MANILA, Philippines — Anim hanggang walong taong pagkakulong ang iginawad na hatol ng Sandiganbayan Fourth Division sa actor at dating Optical Media Board (OMB) chairman Ronnie Ricketts dahil sa kasong graft bunsod sa hindi umano tamang paghawak sa mga nakumpiskang pirated DVDs at VCDs noong 2010.
Bukod sa pagkakulong ay binawalan na rin itong pumasok o humawak ng anumang pwesto sa gobyerno.
Nakasaad pa sa desisyon na pinaboran ng aktor ang Sky High Marketing Corporation ng makumpiska ng OMB ang tone-toneladang pirated compact discs sa kanilang gusali sa Quezon City noong Mayo 27, 2010.
Sa nasabi rin araw ay pinakawalan at isinakay sa sasakyan ng kumpanya ang mga nakumpiska sa halip na magsampa ng kaukulang kaso laban sa kumpanya.
- Latest