20 BIFF todas sa air strike
MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 20 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Force (BIFF) ang napapatay sa isinagawang air strike operation ng tropa ng pamahalaan sa pinagkukutaan ng Daesh-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) inspired group sa lalawigan ng Maguindanao.
“We have inflicted heavy casualties on the enemies, until midnight last night (March 11), medyo lasug-lasog yung mga katawan, we have some reports na umabot na sa almost 20 yung mga namatay sa kalaban”, wika ni Major Gen. Cirilito Sobejana, Commander ng Army’s 6th Infantry Division (ID) at Joint Task Force (JTF) Central.
Nakasagupa rin ng ground troops ng Philippine Army (NPA) ang mga tumatakas na BIFF kung saan isang sundalo ang nasawi sa habang pito naman ang nasugatan.
Ang target ng operasyon ay ang SPMS box (Shariff Saydona Mustapha, Pagatin, Mamasapon at Salibo) pawang sa lalawigan ng Maguindanao na pinamumugaran ng BIFF groups.
Nagsimula ang bomb run ng MG520 bomber plane ng Philippine Air Force dakong alas-5:50 ng umaga nitong Lunes sa Brgy. Inaladan, Shariff Saydona Mustapha ng lalawigan na umabot hanggang hatinggabi ang operasyon.
- Latest